Nanguna si Nacionalista party bet Sen. Cynthia Villar sa pinakabagong senatorial survey ng Pulse Asia matapos maungusan si Sen. Grace Poe.
Sa pag-aaral na isinagawa mula ika-10 hanggang ika-14 ng April, kapansin-pansin na karamihan sa mga posibleng makasungkit ng pwesto sa Senado ang mga kandidatong sumusuporta o in-endorso mismo ng administrasyon.
Lumalabas din na 35% lang, o isang-katlo ng mga rehistradong botante, ang sumusuporta sa kumpletong 12 kandidato.
Pasok rin sa survey sina Lito Lapid, Pia Cayetano, Bong Go, Sonny Angara, Bong Revilla, Bato Dela Rosa, Nancy Binay, Koko Pimentel, Imee Marcos, at Jinggoy Estrada.
Nasa ika-13 at ika-14 naman sina Bam Aquino, at JV Estrada.
Hinalaw ang resulta ngayong Abril mula sa 1,800 sample edad 18 pataas at may +/- 2.3% error margin sa 95% confidence level.
“Pulse Asia Research undertakes Pulso ng Bayan pre-election surveys on its own without any party singularly commissioning the research effort,” paglilinaw ng Pulse Asia.