Walang naisalbang gamit ang pamilya Villanueva mula sa kanilang nasunog na bahay sa Barangay Cajimos, Romblon, Romblon nitong Martes ng umaga, January 29.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) – Romblon, nagsimula ang sunog bandang alas-10 ng umaga matapos maglaro ng apoy sa kwarto ang anak ng may-ari ng bahay na si Alonita Rabino Villanueva, bandang alas-10 ng umaga ng Martes.
Agad na nagtakbuhan ang pamilya Villanueva palabas ng bahay matapos mapansin na malakas na ang apoy sa kwarto kung saan nakitang naglaro ang kanyang anak para hindi madamay sa nasusunog na bahay.
Ayon kay Villanueva, tanging suot lang na damit ang meron sila sa ngayon dahil lahat ng gamit nila ay nasamang natupok ng apoy.
Gawa sa light materials ang bahay ni Villanueva kaya mabilis kumalat ang apoy na nagsimula sa hindi pa alam na lugar ng kanilang pamamahay.
Agad namang naapula ang apoy bandang 11:20 ng umaga, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) – Romblon.