Naitayo na ng Romblon Electric Cooperative, Inc. (ROMELCO) ang isa sa tatlong wind turbine na ilalagay sa isla ng Romblon, Romblon nitong November 19 bilang bahagi ng kanilang pag-adopt sa renewable energy (RE).
Ayon sa ROMELCO, ang bawat turbinang itatayo ay may 300 kilowatt na kapasidad kayat ang tatlong turbinang may kabuuang 900 kilowatt ay makakatulong ng malaki sa mga residente ng isla kapitolyo ng probinsya.
Inaasahang maitatayo ang dalawa pang turbina sa mga susunod na araw dahil na din sa puspusang pagkukumpuni nito.
Ikinatuwa naman ng environmental group na The Climate Reality Project Philippines ang pagkakaroon ng renewable energy sources sa mga isla ng Sibuyan, Romblon at Tablas.
Ayon kay Country Manager, Rodne Galicha, nagpapakita lang umano ito na ang posibleng magkaroon ng sustainable, efficient at malinis ng source ng enerhiya na magagamit sa kuryente.
“The Paris Agreement is, indeed, at work in this archipelagic province of Romblon,” pahayag sa Facebook post ni Galicha.