{googleads center}
Aprubado ng mga pinuno ng Simbahan ng Our Lady of the Most Holy Rosary Parish sa Magdiwang, Romblon ang pagpapatayo ng tindahan sa loob ng compound ng nasabing simbahan.
Ayon sa source ng Romblon News Network sa Our Lady of the Most Holy Rosary Parish, tatlong council umano ang nag usap-usap para maitayo at maituloy ang nasabing proyekto.
Sinabi naman ng ilang trabahador sa nasabing proyekto na hindi umano ito wet market katulad nang usap-usapan sa Social Media, kundi isa umanong dry goods store.
Ilang residente naman ng Magdiwang, Romblon ang nagrereklamo ukol sa ipinapatayong gusali na matatagpuan mismo sa loob ng compound ng nabanggit na simbahan.
Ayun sa kanila, baka maapektuhan umano ang atensyon ng mga taong pumupunta sa simbahan para magdasal bagkos mapupunta ang kanilang atensyon sa gagawing pamilihan.
Sinabi naman ni Father Leo Moaje ng Our Lady of the Most Holy Rosary Parish, alam umano ito ng taong bayan at ito ay pinag-usapan at pinagplanuhan muna bago simulang itayo.