Nangangalap na ang tanggapan ni Vice President Leni Robredo ang relief goods at iba pang mga tulong para sa mga sibilyan na naipit sa bakbakan ng militar at Maute group.
Katulong ang Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership, nag-iipon ang opisina ni VP Leni ng tulong pinansiyal para sa pangangailangan ng mga taga-Marawi.
Nangangalap din ang opisina ni VP Leni ng pagkain, hijab at damit na nakababalot sa buong katawan, kumot at banig, gamit na panlinis sa katawan, gamot at first-aid kit, portable lamp at power bank na ipamamahagi sa mga taga-Marawi na nananatili sa evacuation centers.
Bilang bahagi ng kanyang programang “Stand With Marawi”, naglagay ang tanggapan ni VP Leni ng command center sa Cagayan de Oro at Iligan City para tumanggap ng tulong para sa mga taga-Marawi.
Sa oras na matapos ang kaguluhan sa Marawi at ideklara ng militar na normal na ang sitwasyon, agad ding magbibigay ng tulong ang tanggapan ni VP Robredo sa lungsod.
Para kay VP Robredo, mahalaga sa ngayon ay maabot ang mga kababayan natin sa Marawi na nawalan ng tirahan at kabuhayan dahil sa labanan ng military at Maute group.
Aniya, ang pagkilos na ito ng Office of the Vice President ay bahagi ng pangako ni VP Leni na tutulungan ang lahat ng ating mga nangangailangang kababayan, sa abot ng kanyang makakaya.
Kasabay ng pangangalap ng tulong para sa mga taga-Marawi, patuloy na binabantayan ni VP Leni ang sitwasyon sa lungsod sa tulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Palpak na intelligence gathering at komunikasyon ang dapat sisihin sa pagkasawi ng 11 sundalo dahil sa “friendly fire” mula sa airstrike ng militar sa pinagtataguan ng natitira pang miyembro ng Maute group sa Marawi City.
Kung maayos lang ang komunikasyon sa pagitan ng mga tropa sa gitna ng bakbakan at sa nagsagawa ng airstrike, hindi sana ganito ang sinapit ng ating kawawang mga sundalo.
Nangyari rin ito dahil sa sablay na intelligence gathering ng mga asset ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa lugar. At mas malala sa SAF 44 na dahil naman sa kawalan din ng koordinasyon ni retired General Getulio Napenas sa AFP.
Kung nagkaroon lang ng tamang koordinasyon at sapat na intelligence bago nagsagawa ng airstrike, hindi mangyayari ang nasabing insidente.
Sa nangyaring ito, walang ibang dapat sisihin kundi ang Martial Law na idineklera ni Pangulong Duterte.
Nasa mga kamay ni Duterte ang dugo ng labing-isang sundalo na nasawi dahil sa malaking kapalpakan na ito ng ating Sandatahang Lakas.
Marapat na imbestigahan maigi ng AFP ang nangyaring trahedya na ikinasugat din ng pito pang sundalo at parusahan kung sino ang pumalpak sa sitwasyong ito.
Bakit kailangan pang may magbuwis ng buhay bago pa matuto ang ating militar? . Tandaan: Ang tao’y nilalang na politiko pero mas madalas ang politiko’y nanlilinlang ng tao! (Twitter: follow@dspyrey)