Nabitin ngunit panalo parin si Francis Medina ng Santa Fe, Romblon matapos na makuha ang silver medal sa 400 metres hurdles (male category) sa katatapos lang na 93rd Malaysia Open Athletics Championship 2016 sa Kuala Lumpur Malaysia.
Nitong October 02, na break ng 20-years old na si Medina ang kanyang personal best record na 53.26 na ngayo’y 52.82 matapos nitong katawanin ang bansang Pilipinas sa nasabing palaro.
Ikalawa lamang si Medina kay Saleem Hamid ng Kuwait na nanalo sa oras na 51.70.
Dahil sa pag angat ng record ni Medina, umakyat sa #5 spot ang kanyang ranking sa South East Asia.
Sa Facebook account ni Medina, pinasalamatan niya ang kanyang pamilya, coaches, mga kaklase sa University of Perpetual Help, at mga kaibigan.
“I am happy and grateful, but to be honest with myself, I want more,” ayon sa post ni Medina.