Itinanghal na kampeon ang Ridge Power System sa kauna-unahang DOST Romblon iHub SPARK: Hackathon for Solutions and Possibilities to Advance Resilience and Knowledge Economy na ginanap nitong Oktubre 29, 2026.
Nakuha ng pangkat ang unang puwesto sa proyektong “24/7 Off-Grid Energy Freedom,” na binuo nina Lawreigne Faye M. Delgado, Mark Angelo H. Firmalo at John Paulo O. Dalisay.
Pumangalawa naman si Ivan Miñeque sa proyektong “Antibacterial Activity of Tsitsirika (Catharanthus roseus) Leaves Extract Against Soft Rot (Pectobacterium carotovorum).” Sinusuri sa pag-aaral ang potensiyal ng katas ng dahon ng tsitsirika bilang panlaban sa bacteria na nagdudulot ng soft rot.
Samantala, pumangatlo ang Team Splash sa proyektong “Solar-Powered Larval Aqua Shrimp Hatchery,” na binuo nina Jaime Deloyola, Sandrie Fondevilla at Emmanuel Conrad Gan.
Layunin ng hackathon na bigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na maipakita ang kanilang mga ideya at makabuo ng mga makabagong solusyon sa mga hamon at pangangailangan ng mga komunidad sa Romblon.
Kabilang sa mga tampok na proyekto ang mga konseptong nakatuon sa alternatibong suplay ng enerhiya, pananaliksik sa antibacterial properties ng halamang tsitsirika, at paggamit ng solar energy sa pagpaparami ng hipon.


























