Pormal nang nanumpa sa tungkulin si Mart Arthur Silverio bilang bagong Bise Alkalde ng bayan ng Romblon kasunod ng pagbibitiw sa puwesto ni dating Vice Mayor Mariano Mateo.
Isinagawa ang panunumpa ni Silverio noong Oktubre 30, 2026 sa Municipal Hall ng bayan.
Sa kanyang pag-upo, hahawakan ni Silverio ang mga tungkulin at responsibilidad ng tanggapan ng Bise Alkalde, kabilang ang pamumuno sa Sangguniang Bayan at pagtupad sa iba pang kapangyarihang nakasaad sa batas.
Saksi sa panunumpa ang mga opisyal ng pamahalaang bayan sa pangunguna ni Mayor Gerard Montojo.
Nakiisa rin sa okasyon ang mga mag-aaral mula sa mga day care center na bumisita sa munisipyo upang makilala at makadaupang-palad ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan.


























