Naghain ang Akbayan Reform Bloc ng panukalang batas kaugnay sa anti-political dynasty sa Kamara.
Pinangunahan ito nina Rep. Chel Diokno, Rep. Perci Cendaña, Rep. Dadah Kiram Ismula, at Rep. Kaka Bag-ao mula sa Dinagat Islands.
Ang panukala, na kilala bilang House Bill 5905, ay naglalayong ipatupad ang Article II, Section 26 ng 1987 Konstitusyon.
Nakasaad dito na ang estado ay dapat “garantiyahan ang pantay na oportunidad sa paglilingkod publiko at ipagbawal ang political dynasties alinsunod sa batas.”
Layunin nito na mapigilan ang pagkakaroon ng mga kinikilalang angkan na naghahari sa pulitika, upang mabigyan ng pagkakataon ang mas marami pang karaniwang Pilipino na makapaglingkod.
Inilahad ni Rep. Kaka Bag-ao na panahon na para bigyan ng pagkakataon ang mga ordinaryong mamamayan na makaboto at makapaghain sa gobyerno nang hindi kailangang makipaglaban sa mga angkan ng mga pulitiko.
Nililinaw ng panukala ang depinisyon ng “political dynasty” at tinutukoy ang mga ugnayang pampamilya na maaaring mag-resulta sa pagkakaroon ng kapangyarihan ng ilang angkan nang sabay-sabay at labag sa batas.
Ayon kay Bag-ao, ang pangunahing layunin ng batas ay palawakin ang espasyo ng demokrasya upang mas maraming boses ang marinig at mas maraming pagpipilian ang mabigay sa mamamayan.
Para kay Rep. Diokno, panahon na upang maisakatuparan ito at wakasan ang pamamayani ng iilan sa pulitika, upang makapagbukas ng mas malinis at patas na pamumuno.



































Discussion about this post