• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Monday, October 19, 2026
28 °c
Romblon
28 ° Tue
28 ° Wed
29 ° Thu
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Looc NHS, nagsagawa ng libreng eye checkup para sa mga mag-aaral

    23,879 Mahihirap na pamilya sa Romblon, makatatanggap ng 30kg na bigas

    DOST, nagdagdag ng solar power system para sa potable water generation facility sa San Jose

    Bagong gusali sa PISAY Mimaropa, pinasinayaan

    Bagong gusali sa PISAY Mimaropa, pinasinayaan

    Odiongan, nakatanggap ng tatlong pagkilala sa Regional Nutrition Awards

    Odiongan, nakatanggap ng tatlong pagkilala sa Regional Nutrition Awards

    Libreng spay at neuter, anti-rabies campaign inilunsad sa romblon

    Libreng spay at neuter, anti-rabies campaign inilunsad sa romblon

    38 katao, arestado sa sabungan sa San Fernando na umano’y walang permit

    38 katao, arestado sa sabungan sa San Fernando na umano’y walang permit

    Relic ni St. Carlo Acutis, bibisita sa Diocese of Romblon

    Relic ni St. Carlo Acutis, bibisita sa Diocese of Romblon

    DTI Romblon, nagpaalala sa mga negosyo at mamimili sa pagsunod sa product standards

    DTI Romblon, nagpaalala sa mga negosyo at mamimili sa pagsunod sa product standards

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
28 °c
Romblon
28 ° Tue
28 ° Wed
29 ° Thu
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Sports Traditional Sports

4 Pinoy boxers, wagi sa “Thrilla In Manila 2”

Gilbert MiñanobyGilbert Miñano
November 1, 2025
in Traditional Sports
Reading Time: 11 mins read
45
0
4 Pinoy boxers, wagi sa “Thrilla In Manila 2”

PTV Sports

Share on FacebookShare on Twitter

Panalo ang lahat ng apat na Pinoy boxer na lumaban sa main card ng “Thrilla in Manila 2” na ginanap noong Oktubre 29, 2025, sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City.

Ang event ay pinangunahan ni former senator at 8-division world champion Manny Pacquiao, na siya ring promoter sa ilalim ng Blow by Blow at MP Promotions, katuwang ang International Boxing Association (IBA) at Philippine Sports Commission (PSC).

Unang lumaban si former IBF Super Bantamweight Champion Marlon Tapales kontra kay Fernando Toro ng Venezuela sa isang 8-round bout. Ipinamalas ni Tapales ang matinding porma matapos patumbahin si Toro sa round 6 gamit ang kombinasyong body shot at right hook, dahilan upang hindi na ito makabangon matapos mabilang ng referee. Sa kasalukuyan, may record si Tapales na 25 wins, 4 losses, at 22 knockouts.

Sumunod naman si undefeated Carl Jammes “Wonder Boy” Martin, na hinarap si Aran Dipaen ng Thailand sa isang 10-round bout. Sa laban, kahit nadapa si Martin sa round 3, bumawi ito agad sa mga sumunod na round at ipinakita ang kanyang agresibong istilo. Sa round 9, napabagsak niya si Dipaen, at sa pagtatapos ng laban ay idinakilang panalo si Martin via Unanimous Decision. Si Martin, na 26 anyos, ay may malinis na rekord na 27 wins (20 KOs) at walang talo.

Sunod na sumalang si former Olympian at undefeated fighter Eumir Marcial (6–0, 4 KOs) laban kay Eddy Colminares ng Venezuela (13–2, 13 KOs). Sa laban, dalawang beses na-knockdown si Marcial — sa round 3 at round 10 — ngunit ipinakita niya ang kanyang tibay at determinasyon, dahilan upang siya ay manalo sa pamamagitan ng Majority Decision. Bagamat nagkaroon ng kontrobersiya sa resulta, nanindigan si Marcial na bukas siya sa rematch, sabay sabing itinuturing niya ang panalo bilang birthday gift para sa sarili.

Sa main event, matagumpay namang nadepensa ni WBC Minimumweight Champion Melvin Jerusalem ang kanyang titulo laban kay Siyakholma Kuse ng South Africa sa kanilang 12-round bout, sa pamamagitan ng Unanimous Decision. Bagamat ilang beses ding nakatama si Kuse, pinatunayan ni Jerusalem ang kanyang pagiging beterano at champion sa pamamagitan ng mas solid na kombinasyon at kontrol sa laban. Sa kasalukuyan, may rekord si Jerusalem na 25 wins, 3 losses, at 12 KOs, habang si Kuse ay may 9 wins at 4 losses.

Maliban sa mga Pinoy, naganap din ang ilang international bouts:
Tinalo ni Chris Thompson ng South Africa si Georgiy Yunovidov ng Russia sa Heavyweight Division, habang nanaig si Vadim Tukov ng Russia laban kay Sena Agbeko ng South Africa sa Middleweight Division. Samantala, nagtapos naman sa draw ang laban ni Nico Ali Walsh — apo ni Muhammad Ali — kontra kay Kittisak Klinson ng Thailand.

Ang “Thrilla in Manila 2” ay ginanap bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng orihinal na “Thrilla in Manila” noong Oktubre 29, 1975, kung saan nagsagupa ang mga heavyweight legends na sina Muhammad Ali at Joe Frazier sa parehong venue — ang Araneta Coliseum. Dumalo rin sa naturang event ang ilang kilalang personalidad mula sa Pilipinas at ibang bansa, bilang pagpupugay sa makasaysayang laban na naglagay sa bansa sa mapa ng pandaigdigang boksing.

Related Posts

Chess tourney sa San Fernando, muling aarangkada

Chess tourney sa San Fernando, muling aarangkada

October 15, 2026
Romblon Chess Team, sasali sa Batang Pinoy 2026

Romblon Chess Team, sasali sa Batang Pinoy 2026

October 15, 2026

Popular Stories

  • 38 katao, arestado sa sabungan sa San Fernando na umano’y walang permit

    38 katao, arestado sa sabungan sa San Fernando na umano’y walang permit

    633 shares
    Share 253 Tweet 158
  • Murder case, isinampa laban sa suspek sa pagpatay sa kapwa sekyu sa San Andres

    1244 shares
    Share 498 Tweet 311
  • IPMR ng Calatrava, ipinagtanggol ang patas na pagbatikos kay Madrona sa gitna ng mga alegasyon

    47 shares
    Share 19 Tweet 12
  • Bagong gusali sa PISAY Mimaropa, pinasinayaan

    29 shares
    Share 12 Tweet 7
  • Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

    4416 shares
    Share 1766 Tweet 1104
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

San Andres police, pinalalakas ang kampanya laban sa karahasan

RSU, inilunsad ang bagong logo kasabay ng Strategic Development Plan 2026–2035

BJMP MIMAROPA, tumulong sa mga anak ng mga persons deprived of liberty

TRENDING FOR THE MONTH

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

Barangay kagawad, pinagbabaril umano ang kapatid matapos ang pagtatalo

Murder case, isinampa laban sa suspek sa pagpatay sa kapwa sekyu sa San Andres

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up