Nagsagawa ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) MIMAROPA ng sabayang Kalinga sa Anak PDL activity upang mabigyan ng pagkakataon ang mga anak ng persons deprived of liberty (PDL) na makasama at makausap ang kanilang mga magulang na nakakulong.
Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng pagdiriwang ng Community Relations Service Month sa ilalim ng pamumuno ni BJMP MIMAROPA Regional Director Jail Senior Supt. Deogracias de Castillo.
Kabilang sa mga aktibidad ang pagbisita ng mga pamilya sa mga pasilidad ng kulungan, feeding program, recreational activities para sa mga bata at pagbabasa ng mga liham mula sa kanilang mga magulang.
Isa sa mga nakiisa dito ay ang Romblon District Jail sa probinsya ng Romblon.
Ayon sa BJMP MIMAROPA, bahagi ng layunin ng programa ang pagpapanatili ng ugnayan ng mga PDL sa kanilang mga anak, na itinuturing na bahagi ng kanilang rehabilitasyon habang nasa kustodiya ng pamahalaan.


























