ADVERTISEMENT
Nitong nakaraang weekend ay masayang ipinagdiwang ng mga Romblomanon ang Biniray Festival kasabay ng kapiyestahan ni Señor Santo Niño de Romblon. Tampok sa selebrasyon ang makukulay na parada, sayawan, at iba’t ibang gawaing panrelihiyon at pangkultura na sumasalamin sa pananampalataya, kasaysayan, at pagkakaisa ng mamamayan ng lalawigan.








































