Nakatanggap ng tulong pinansyal ang 247 residente ng bayan ng Cajidiocan na labis na naapektuhan ng Bagyong Opong, sa ilalim ng Emergency Cash Transfer (ECT) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) MIMAROPA.
Isinagawa ang pamamahagi ngayong araw katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Cajidiocan at mga Barangay Local Government Units (BLGUs), bilang bahagi ng patuloy na pagtugon ng pamahalaan sa mga pamilyang nawalan ng tahanan at kabuhayan.
Ang hakbang na ito ay alinsunod sa direktiba nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at DSWD Secretary Rex Gatchalian na tiyaking maramdaman ng bawat Pilipino ang tulong at pagkalinga ng pamahalaan.
Ang nasabing cash assistance ay bahagi ng halos ₱100-milyong tulong na ipinangako ni Secretary Gatchalian para sa mga nasalanta ng bagyo sa lalawigan ng Romblon.
Sa ilalim ng ECT Program, ang mga pamilyang may bahagyang nasirang tahanan ay makatatanggap ng ₱5,000, habang ₱10,000 naman para sa mga tuluyang nawalan ng bahay.



































