Iginawad ng FIBA sa Pilipinas ang hosting rights para sa FIBA Asia Women’s Cup 2027. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magho-host ang bansa ng women’s competition ng FIBA Asia Cup.
Hindi na bago sa Pilipinas ang pagho-host ng mga international basketball tournament. Noong 2013, naidaos sa bansa ang FIBA Asia Cup kung saan nagtapos ito bilang silver medalist. Noong 2024, naging isa rin ang Pilipinas sa mga host ng FIBA Basketball World Cup.
Ayon sa mga opisyal, ang hosting ay inaasahang magbibigay ng mas maraming oportunidad para sa mga babaeng manlalaro sa bansa. Sa kasalukuyan, limitado ang kanilang mapaglalaruan matapos ang kolehiyo dahil walang professional league para sa kababaihan.
Samantala, noong 2023 ay nagtapos ng ika-anim na pwesto ang Gilas Women’s team sa FIBA Women’s Asia Cup sa Sydney, Australia. Muli silang sasabak sa FIBA Women’s Asia Cup sa Shenzhen, China mula July 13–20, 2025, kung saan makakatapat nila sa Group B ang Australia (World No. 2), Japan (World No. 9), at Lebanon (World No. 54).
Discussion about this post