Nakatakdang bumisita sa lalawigan si dating Senador Francis “Kiko” Pangilinan bukas, Abril 16, upang personal na kamustahin ang mga mangingisda sa Barangay Canduyong na dating nabigyan ng tulong sa ilalim ng kanyang programa noong siya’y nasa Senado pa.
Ayon sa kanyang kampo, layunin ng pagbisita ni Pangilinan na makita ang kalagayan ng mga benepisyaryo at alamin kung paano nakatulong ang suportang naibigay sa kanilang kabuhayan.
Ito na ang ikalawang pagbisita ng dating senador sa Romblon. Sa kanyang unang pagpunta, kasama niya si dating Bise Presidente Leni Robredo.
Inaasahang makikipagdayalogo si Pangilinan sa mga lokal na lider at magsasagawa rin ng konsultasyon ukol sa mga isyung kinakaharap ng mga mangingisda sa rehiyon.
Discussion about this post