Arestado ang isang 36-anyos na lalaki matapos umanong gahasain ang kanyang stepdaughter sa Barangay Alibagon sa Cajidiocan, Romblon, ayon sa ulat ng pulisya.
Isinagawa ang pag-aresto ng mga tauhan ng Cajidiocan Municipal Police Station sa ilalim ng superbisyon ni PCPT Mary Jade M. Gaca matapos positibong kilalanin ng biktima ang suspek.
Batay sa imbestigasyon, naganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima kung saan sila lamang dalawa ng suspek ang naroroon.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 8353 at Republic Act No. 11648 o statutory rape, na karaniwang walang piyansa.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.


































Discussion about this post