Nanawagan si Congressman Eleandro Jesus Madrona ng pagkakaisa, pananampalataya, at malasakit ngayong Semana Santa sa isang mensaheng inilabas niya para sa mga mamamayan ng lalawigan.
Sa kanyang mensahe, hinimok ni Madrona ang mga Romblomanon na magnilay sa sakripisyo ni Hesukristo at isabuhay ang mga aral ng pagmamahal, pagpapakumbaba, at paglilingkod sa kapwa.
“Palakasin natin ang ating pananampalataya at ipamalas ito sa ating pang-araw-araw na gawain,” ani Madrona.
Kaugnay din ng nalalapit na halalan, umapela ang kongresista sa mga mamamayan na sa kabila ng mga pagkakaibang politikal ay muling magkaisa sa diwa ng Kristiyanong pagmamahalan at pagtutulungan.
“Bilang mga Kristiyano, nawa’y pagkatapos nito ay magkaisa tayo sa diwa ng tunay na pagmamahalan at pagtutulungan,” dagdag niya.
Kasama sina Gobernador Otik Riano at Bise Gobernador Arming Gutierrez, nakiisa rin si Madrona at ang kanyang pamilya sa mataimtim na paggunita ng Mahal na Araw sa buong lalawigan.
Discussion about this post