Isang bagong microscopic species ng crustacean, Stammericaris galichai, ang natuklasan sa kailalimang bahagi ng Cantingas River, Sibuyan Island, Philippines.
Ang species ay ipinangalan kay Rodne Rodiño Galicha, isang Filipino environmentalist, bilang pagkilala sa kanyang mga kontribusyon sa biodiversity conservation at natural resource protection.
Ayon sa mga Italian scientists na sina Vezzio Cottarelli at Cristina Bruno, ang pagtuklas ay makabuluhan hindi lamang dahil pinalalawak nito ang ating kaalaman sa biodiversity ng mundo kundi dahil din sa pagpapakita ng kahalagahan ng pagtuklas at pagprotekta sa mga natatanging ecosystem na matatagpuan sa Pilipinas, partikular sa Sibuyan Island, na itinuturing na biodiversity hotspot.
Binibigyang-diin din ng mga scientists ang pangangailangang galugarin at unawain ang “nakatagong” mga uri ng hayop, gaya ng interstitial species na nakatira sa mga buhangin sa ilalim ng ilog, na kadalasang hindi napapansin ngunit may mahalagang papel sa pagpapanatili ng balanse ng ecosystem.
“Ang parangal na ito ay may kaakibat na hamon na mas pag-iibayuhin pa natin ang ating mga pagtutulungang pangalagaan ang ating kalikasan lalo na sa mga ecologically sensitive na mga areas tulad mga isla sa ating lalawigan ng Romblon”, sabi ni Galicha.
Maalalang ipinangalan rin sa isang yumaong Sibuyan environmentalist na si Armin Rios Marin ang isang pitcher plant species na Nepenthes armin. Si Marin ay dating kasamahan ni Galicha sa kanilang pagkilos laban sa pagmimina sa isla ng Sibuyan.
Mababasa ang buong scientific paper dito: https://www.mapress.com/zt/article/view/zootaxa.5609.2.4