Magaganap ang isa sa pinakamalaking chess tournament sa bayan ng Banton, Romblon sa darating na Abril 12, 2025. Gaganapin ito sa Generoso L. Fonte Covered Court, Poblacion, Banton, Romblon. Ang torneo ay isang Open Tournament na bukas para sa lahat ng rated at unrated players mula saanmang bahagi ng bansa.
Palagian nang nagkakaroon ng mini-tournament sa Banton tuwing kapistahan, ngunit dati ay eksklusibo lamang ito sa mga Romblomanon players. Ngayon, mas pinalawak na ito at binuksan sa lahat ng chess enthusiasts.
Sa Open Category (any age), ang kampeon ay mag-uuwi ng P15,000 at isang tropeo, habang ang 2nd place ay makakatanggap ng P10,000 at tropeo. Ang 3rd place ay may P7,000 at tropeo, ang 4th place ay makakatanggap ng P5,000 at medalya, at ang 5th place ay may P3,000 at medalya. Ang 6th place naman ay mag-uuwi ng P2,000 at medalya, samantalang ang 7th hanggang 10th place ay may premyong P1,000 at medalya bawat isa. May nakalaan ding P1,000 at medalya para sa Top Executive, Top Senior, Top Junior, Top Lady, at Top Banton Player.
Para naman sa Kiddie Division (13 years old and below), ang kampeon ay mag-uuwi ng P3,000 at tropeo, ang 2nd place ay makakatanggap ng P2,000 at tropeo, at ang 3rd place ay may P1,000 at tropeo. Ang 4th place ay mag-uuwi ng P700 at medalya, habang ang 5th hanggang 10th place ay may P500 at medalya bawat isa. Mayroon ding P500 premyo para sa Top Lady, Top Under 11, Top Under 9, Top Under 7, at Top Banton Player.
Ang torneo ay gagamit ng 7-round Swiss system na may 3-second increment format.
Isa sa mga nagpahayag ng intensyong sumali ay si Nephtali Bantang, isang Corcuera native na kamakailan ay nagkampeon sa Pangasinan Open Chess Tournament. Inaasahang lalahok din ang ilang miyembro ng San Agustin Knights Chess Club sa pangunguna ng Fajarito Chess Players.
Ang registration fee para sa Open Division ay P500 para sa mga non-Romblomanon at P250 para sa Romblomanon players. Sa Kiddie Division, ang bayad ay P200 para sa mga non-Romblomanon at P100 para sa Romblomanon players. Ang unang 50 registrants ay makakatanggap ng libreng tournament t-shirt mula sa mga organizers.
Para sa mga interesado at iba pang detalye, maaaring makipag-ugnayan sa:
- Dr. Fred Paez – 09212728172
- Engr. Ernie Faeldonia – 09052134003
- Engr. Beltran Fabula – 09178850332
- Atty. Christopher Del Rosario – 09175112100
- Lester Fedelicio – 09567234857