Naaresto ng mga tauhan ni PMaj Remon Jake Aguho, hepe ng Puerto Galera Municipal Police Station, ang isang 43-anyos na mangingisda dahil sa pagbebenta ng diumano’y shabu sa mga operatiba matapos ang isinagawang drug buy-bust operation sa Sitio Maniknik, Brgy. Balatero kagabi.
Ayon kay Aguho, matagal nang minamanmanan ang suspek dahil sa talamak na pagbebenta ng droga sa kanilang lugar, at nakumpirma ng kanyang mga tauhan na ang ipinapalit ng suspek ay iligal na droga.
Kahit malakas ang buhos ng ulan sa nasabing lugar, nagawa pa ring magbenta ng suspek ng diumano’y droga sa isang poseur buyer. Nang magbigay na ng hudyat na nakabili na ang operatiba, dito na dinakip ang lalaki.
Maliban sa nabiling sachet, natagpuan pa ito sa suot na short pants ng tatlong sachet na naglalaman ng kristal na bagay, kasama ang marked money na P1,000.
Kasalukuyang nakapiit na sa himpilan ng Puerto Galera Municipal Police Station ang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165.
Discussion about this post