Sitaw, Talong, Kalabasa, at iba pang masusustansyang gulay ang tampok sa tiange ng lokal na pamahalaan ng Romblon kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon ngayong taon.
Isang araw na nagbenta sa tiange sa sentro ng bayan ang mga magulang at mga estudyante mula sa iba’t ibang barangay ng Romblon, Romblon.
Ayon kay Mayor Gerard Montojo, layunin nito na makatulong sa mga magsasaka ng bayan at sa mga residente dahil makakatikim sila ng mura at sariwang mga gulay mula sa mga backyard farmers.
Maliban sa tiange tampok rin ngayong taon ang feeding program para sa mga malnourished na bata sa bayan.
Nagkaroon rin ng maikling programa na sinundan ng cookfest, at poster making contest.
Dagdag ni Montoho, ang buwan umano na ito ay nagpapaalala sa bawat isa na sadyang mahalaga ang pagpapanatiling malusog ng katawan lalo na ngayong nakakaranas ang mundo ng pandemya.