Maraming ari-arian ang nasira ng pagbaha at pagtaas ng tubig sa ilang barangay sa bayan ng Cajidiocan, Romblon nitong gabi ng July 28 hanggang madaling araw ng July 29.
Sa ulat ng Municipal Agriculture Office (MAO), may aabot sa 11 na bangka ang nasira matapos hampasin ng malalakas na alon.
May 12 rin na magsasaka ang namatayan ng mga manok, Baboy, at baka matapos malunod sa baha sa Barangay Lico, Lumbang Este at Weste.
Ayon kay Evelyn Rio, residente ng Sitio Puntaki, Poblacion, umaga na umano nila nakita ang kanilang mga bangka na nabahura sa Barangay Cambajao.
Nagsagawa na nag rapid assesement ang MAO at ang Municipal Social Welfare and Development Office upang matulungan ang mga residenteng nasalanta ng pagbaha.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), thunderstorm ang nagpaulan sa Romblon kahapon at kaninang madaling araw.