Idinulog sa Commission on Audit ni Romblon sangguniang bayan member Lyndon Molino ang kawalan ng project signboard sa ilang proyekto ng gobyerno sa Romblon.
Hinalimbawa ni Molino ang proyekto ng Provincial Government sa bayan ng Romblon, Romblon kung nasaan siya.
Ayon kay Molino, wala umanong project signboard na makikita sa ginagawang Romblon Capitol Park o sa Magsaysay Park.
Sinabi ni Molina na nakasaad umano sa COA Circular 2013-004 na dapat malaman ng publiko ang programa at initiative ng gobyerno sa pamamagitan ng paglalagay ng posters at tarpaulins.
“If the foregoing case can be considered as an outright violation of the said COA Circular, I must say that this is not an isolated case,” ayon kay Molino.
Sinabi nito na may ilang tapos na at ginagawa palang na proyekto sa bayan na pinunduhan ng National Gov’t o ng munisipyo ay naobserbahan niyang hindi sumusunod sa circular.
“Given the COA’s broad powers and authority as the watchdog and guardian of the pubic treasury, it is my fervent hope that you will give this matter your immediate attention,” hiling ng Sangguniang Bayan member.