Naibalik na nitong Huwebes, June 03, ang kuryente sa mahigit 46,531 na bahay sa mga isla ng Tablas at Carabao, isang araw matapos ang pananalasa ng bagyong Dante.
Ayon sa ulat ng Tablas Island Electric Cooperative, Inc. (TIELCO), ang mga kuryente sa bayan ng Ferrol, San Agustin, San Andres, Sta. Maria at San Jose ay naibalik na ang 100% ng kuryente.
Nagpapatuloy naman ang ginagawa nilang restoration sa iba pang bayan.
Inaasahang ngayong Biyernes ay tuluyan nang mapapailaw ng TIELCO ang dalawang isla.
Samantala, batay sa ulat ng National Electrification Administration (NEA), fully restored na rin ang kuryente sa mga bayan ng Cajidiocan, Magdiwang, San Fernando, at Corcuera habang partially restored naman ang kuryente sa mga bayan ng Romblon, Banton at Concepcion.
Ang mga nabanggit na lugar ay nasa ilalim ng Romblon Electric Cooperative Inc. o ROMELCO.