Handa na ang probinsya ng Romblon sa pagdating sa lalawigan ng mga bakuna kontra sa Covid-19 ngayong Biyernes, ika-5 ng Marso.
Ito ang ipinaabot ni Governor Jose Riano matapos kumpirmahin ng Department of Health Center for Health Development (DOH-CHD-MIMAROPA) na dadating bukas sa probinsya ng Romblon ang aabot sa 1,000 Covid-19 na gawa ng Sinovac ng China.
Sinabi ng gobernador na nakipagpulong na siya sa Provincial DOH Office sa Romblon at sa Provincial Health Office kaugnay sa pag hahanda sa bakuna.
Nagpulong na rin ang mga health workers kahapon sa Romblon Provincial Hospital upang paghandaan rin ang pagsisimula ng bakunahan sa ospital.
Ang araw kung kelan darating ang mga bakuna ay kinumpirma sa isang press conference ni Regional Director Dr. Mario Baquilod nitong Huwebes ng hapon, March 04.
Mula airport ay didiretso ang mga vaccines sa Provincial Health Office kung saan nakalagay ang cold-chain storage facility ng probinsya.