Inanusyo sa Odiongan Public Information Office Facebook page ang programa ng LGU Odiongan at Bayay Coworking and Innovation Space kung saan ang matagumpay na Mercado on the Go ay ginawang online. Layunin ng nasabing proyekto na mas mapadali ang buhay ng mga Odionganon at maiwasan ang sabay-sabay na pagpunta sa pamilihang bayan para mamalengke. Ang Odiongan Epalengke ay naglalayon na kunin ang mga produkto sa palengke at ihatid direkta sa inyong mga tahanan.
Dahil sa tagumpay ng Merkado on the Go, naisipan ng pamunuan ng Odiongan sa pangunguna ni Mayor Trina Firmalo-Fabic na gawing online o digital ang programang ito. Sa pakikipagtulungan ng LGU Odiongan sa Bayay, isang innovation hub na itinayo ni JP Bayang, nabuo ang Odiongan Epalengke, ang kauna-unahang digital palengke sa buong probinsiya.
Maraming bahagi ang proyektong ito na nagtutulungan para mapaandar ang nasabing programa. Kabilang sa mga ito ay sina Vice Mayor Diven Dimaala, Mr. Kim Faderon and Ms. Mary Joy Fabiculana ng Office of the Mayor, Mr. Martin Lasaga, Malfe Fernando, Walner De Ocampo ng Municipal Economic Enterprise Development Office, mga tribike drivers at mga tindero’t tindera ng mga gulay, karne, prutas at iba pa.
Sinimulan noong Hunyo 29 ang pagtanggap ng mga orders sa Odiongan Epalengke gamit ang Facebook Messenger “miniapp”. Nagpapasalamat ang pamunuan sa mainit na pagtanggap ng ating mga kababayan sa bagong proyektong ito. Patuloy po ang pagtanggap natin ng mga orders kasabay ng mga pagbabagong ginagawa natin sa proseso para mas higit pang mapaganda ang ating sistema.
Bagamat ang programa ay tumatakbo bilang ‘test run,’ inaasahan ng Lokal na Pamahalaan ng Odiongan at ng Bayay na mas dadami ang tatangkilik sa nasabing programa sa mga susunod pang mga araw.
Ordering and Delivering Scheme :
Ex.
6:00am – 11:00am (today) = 5:00 pm (same day delivery)
11:01am – 3:00pm (today) = 5:00am (next day delivery)
3:01pm (today) – 5:59am (next day) = 5:00pm (next day delivery)