Maari ng mag-avail ng emergency loans ang mga miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS) na sinalanta ng bagyong Tisoy noong nakaraang buwan, ayon sa anunsyo ng ahensya nitong Huwebes, January 16.
Itinalaga ng GSIS ang araw ng January 16 hanggang February 15 para sa granting period sa probinsya.
Ayon kay Leon Ma Fajardo, Batangas Branch Office, available na sa GSIS GWAPS kiosks ang nasabing loan program, kasunod ng request ng provincial government.
Dalhin lamang umano ang mga eCard or UMID eCard sa pag-apply sa mga GWAPS kiosk.
Ang mga maaring mag-apply ay mga bona fide resident o employee ng gobyerno sa lugar kung saan idineklara ang state of calamity; at nasa active service at hindi naka-leave.