Bilang paghahanda sa posibleng epekto sa Simara Island ng bagyong may international name na Kammuri na patuloy na lumalapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR), pinulong na ngayong araw ni Mayor Elmer Fruelda ang mga miyembro ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) sa loob ng SB Session Hall sa Corcuera, Romblon.
Pinag-usapan sa pagpupulong ang mga dapat gawing paghanda ng lahat ng ahensya na miyembro ng konseho.
Ayon sa pinakahuling taya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posibleng lumapit ang mata ng bagyo sa hilagang bahagi ng probinsya ng Romblon kung saan naroroon ang mga isla ng Simara, Banton, at Sibale na dati ng sinalanta ng bagyong Nona.
Huling namataan si Kammuri sa layong 1,470 km East ng Southern Luzon.