Niyanig ng mahinang lindol ang probinsya ng Romblon at mga kalapit na probinsya kaninang umaga.
Ayon sa tala ng DOST-Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-Phivolcs), ang sentro ng lindol ay naitala sa layong 31KM South East ng bayan ng Alcantara, Romblon.
Tectonic ang dahilan ng lindol at tinatayang may lakas na 2.8 magnitude.
Naramdaman ang lindol sa ilang bahagi ng Romblon, at sa Kalibo, Aklan.
Wala naman umanong inaasahang aftershocks sa nasabing lindol. Wala ring naiulat na pinsala o nasaktan sa nasabing insidente.