Bago matapos ang taong 2019, isa nanamang Romblomanon ang lalaban sa isa sa malalaking national pageant ng Pilipinas, ang Miss Philippines 2019.
Dadalhin ni Miss Maureen Ann Joy Federico ang pangalan ng probinsya ng Romblon sa pageant na pinaglalabanan ang beauty, talent, at fitness; at nagbibigay promotion sa global culture and peace, art at sa tradisyon ng Pilipinas.
Pinakilala si Maureen at iba pang mga kalahok sa Search for Miss Philippines 2019 sa isang press conference nitong Miyerkules, July 27.
Si Maureen, 19, ay anak nina Mabini Fabila Federico Jr. at Eva Feliciano Federico ng Barangay Ligaya, Odiongan, Romblon.
Ayon kay Maureen, pinaghahandaan na niya ngayon ang pageant lalo na umano ang pagpapaganda ng kanyang paglakad sa stage.
“Ayon po nag eeexercise po to be fit po and attending workshops to enhance pa the personality and para mas mapaganda pa po yung walk,” ayon kay Maureen ng makapanayam ng Romblon News Network nitong Sabado.
Pressured si Maureen sa pagsabak sa pageant hindi lang sa first time niya lalaban sa isang national pageant kundi dahil dala niya ang pangalan ng probinsya.
Si Maureen ay kasalukuyang nag-aaral ng Bachelor of Science in Psychology sa Colegio De San Juan De Letran.
Gaganapin ang pre-pageant ng Miss Philippines 2019 sa Coron, Palawan sa August 26-29; at Coronation Night naman sa October 13.