Pinamunuan ng Marinduque State College ang isinagawang Unity Eco-Walk at Coastal Clean Up sa apat na bayan sa probinsya ng Marinduque nitong Biyernes ng umaga.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mahigit 6,000 estudyante, guro, at empleyado ng iba’t ibang campus ng Marinduque State College sa buong Marinduque. Nilinis nila ang mga baybayin na nasa bahagi ng Barangay Cawit, Bunganay, Caganhao, Balaring, Ihatub, at Laylay sa bayan ng Boac.
Sa statement ni Dr. Merian Catajay-Mani, SUC President II ng Marinduque State College, sinabi nitong advocacy talaga ng MSC ang proteksyunan ang environment, katunayan nito may love affair with mother nature sila tuwing February 14.
“Ika-3 taon na ngayon ang aming advocacy na may temang MSC Pusong makakaliakasan, defend our Environment, Defend of Rights,” pahayag ni President Mani.
Sinabi rin ni Mani na ang bawat tao umano lalo na ang mga taga-Marinduque ay may karapatan sa maayos at malusog na kalikasan.
Matapos ang nasabing event, sabay-sabay ring nag tree hug ang mga estudyante, guro, at empleyado ng MSC.
Matatandaang ang Marinduque ay naapektuhan ng marcopper mining noong 1996 kung saan nasira ng iniwang basura ng minahan ang aabot sa mahigit 1 milyones halaga ng freshwater at marine life. Naapektuhan rin ng minahan ang 27-kilometre na Boac River kaya hindi napinabangan ng tao at ng gobyerno.