Nakuha ang ilang pinagbabawal na gamit sa loob ng piitan sa Odiongan District Jail sa isinagawang Oplan Linis Ligtas kaninang madaling araw ng Bureau of Jail Management and Penology Odiongan, Romblon, Philippine Drug Enforcement Agency MIMAROPA at PNP SWAT.
Ilan sa nakuha ay mga hanger, blade, sintoron, at iba pa. Nakakuha rin ng dalawang basyo ng bala at isang pinaghihinalaang improvised na patalim.
Paliwanag ng mga preso, ang mga nakuhang blade ay ginagamit lamang nila pang ahit ng sa kanilang mga balbas habang ang dalaawang basyo ng bala ay ginagawa umanong agimat.
Ang pagsasagawa ng Oplan Linis Ligtas o ang mas pinaigting na Oplan Greyhound ay programan ng BJMP para maalis ang presensya ng Iligal na Droga sa loob ng Piitan.
“Ang ginawa po natin in coordination with PDEA MIMAROPA and PNP SWAT, nagkaroon po tayo ng Oplan Linis Piitan/Greyhound Operation kung saan… to eradicate illegal drugs and other contrabands inside our jail facility,” pahayag ni Jail Senior Inspector Irene Gaspar, Warden ng Odingan District Jail,
Paalala naman ni J/SInsp Gaspar sa mga bibisita, wag magdadala ng kung ano mang bawal na gamit bago pumasok ng Jail.
“Sa mga bisita natin, before pumasok meron po tayong mga guidelines jan na bawal po sila magdala ng mga matutulis na bagay siyempre, yung mga illegal drugs bago pa man sila pumasok sa gate, sinesearch na po natin yan at yung tamang kasuotan.” pahayag ni Gaspar.
{googleads center}