Sa Romblon State University San Fernando Campus sa bayan ng San Fernando, Sibuyan Island, Romblon ang pilot area ng MIMAROPA sa 2nd Quarter Simultaneous Earthquake Drill ngayong araw, June 29.
Ayon sa Office of the Civil Defence MIMAROPA, may 108 individuals from Romblon State University Faculty, First Aider, SSC Officers, Actor and Actress of Don Carlos School, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Reservist, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council San Fernando at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council Magdiwang ang nakilahok na sa ginawang orientation kaninang umaga.
Itinuro sa kanila kung ano ang mga dapat ginagawa kapag nagkaroon ng lindol, katulad nalang ng Duck, Cover, and Hold.
Mamayang alas-2 ng hapon, sabay-sabay na magkakaroon ng Simultaneous Earthquake Drill sa buong probinsya ng Romblon, ganun na rin sa buong Pilipinas.
Sa bayan ng Odionga, gaganapin ang Simultaneous Earthquake Drill sa Odiongan National High School sa Barangay Dapawan.