Aabot sa halos 1,064 board feet ng mga iligal na troso ang nasabat ng mga tauhan ng San Fernando Municipal Police Station, Local Government Unit, at Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa isang bundok sa Barangay Mabini, San Fernando, Sibuyan Island, Romblon nitong March 09.
Ayon sa news release ng San Fernando PNP, ang mga nakuha nilang kahoy ay may iba’t ibang dimension at klase katulad ng Bangkal, Tanguili, Kuyawyaw at Acasia.
{googleads left}
Aabot rin umano ng Thirty Seven Thousand Four Hundred twenty Pesos (P37,420) ang halaga ng mga nasabat na kahoy.
Ang joint Illegal Logging Operation ng kapulisan at Department of Environment and Natural Resources ay bahagi umano ng kanilang pagsugpo sa mga taong iligal na pumuputol ng kahoy sa bayan ng San Fernando.
Patuloy pa umanong tinutukoy ng awtoridad kung sino ang may-ari ng mga nasabing kahoy.
Sa ngayon, dinala na muna ang mga kahoy sa opisina ng Department of Environment and Natural Resources sa bayan ng Magdiwang, Romblon.