Magsasagawa ngayong araw ng ocular inspection sa Azagra Airstrip sa Azagra, San Fernando, Romblon sina Department of Tourism Regional Director for MIMAROPA Danilo Intong at si Francis Enrico Gutierrez, may-ari ng kauna-unahang seaplanes operator sa Pilipinas na, Air Juan Airlines.
Titingnan ng dalawa kung pwedeng lapagan ng maliliit na eroplano ng Air Juan ang airstrip sa Sibuyan Island.
Plano umano ng Air Juan Airlines na magkaroon ng chartered flights gamit ang kanilang seaplanes patungo sa lugar na tinatawa nilang ‘the Galápagos of Asia’.
Sa interview ng Business Bulletin kay Tina Di Cicco, Chief Marketing Office ng Air Juan, plano talaga umano nilang mag extend ng mga biyahe patungong Nortern at Southern Luzon na kung saan aabot lamang ng 30 to 60-minutes na travel time.
“For 2017, we are trying to build our networks for south and north of Manila both for leisure and business travelers,” ayon kay Di Cicco.
“We target to serve as many unchartered destinations those where big airlines won’t fly because it has no run or where the runway is short.” dagdag pa niya.
Matapos ang isasagawang ocular inspection ay makikipagpulong sina Intong at Gutierrez sa tatlong alkalde ng mga bayan sa Sibuyan kaugnay parin sa nasabing plano.