Mahigit kalahati na umano ang natapos sa Cagban bridge na ginagawa ng Department of Public Works and Highways Romblon sa Brgy. Cambalo sa bayan ng Cajidiocan, base sa dokumentong nakuha ng Romblon News Network.
Ayon sa progress report na pinirmahan ni DPWH District Engineer Napoleon Famadico, 65% na as of October 31, 2016 ang nasabing tulay.
Nakasaad rin sa dokumento na may mga suspension na idineklara ang Arky Construction and Supplies dahil sa ilang problema katulad nalang ng weather conditions.
Ayon naman kay Assistant District Engineer Roger David nitong Lunes ng makapanayam ng Romblon News Network, hindi talaga umano maiiwasan na may mga suspension ang projects dahil rin sa iba’t ibang factors.
Makikita rin sa progress report na, mahigit 30-million pesos ang budget na allocated para sa tulay, malayo sa nakasulat sa website na unang naibalita ng RNN.
Sa mga litratong ibinahagi ni Gems Ramo sa kanyang Facebook account noong November 2016 makikita na halos poste palang ang nagagawa sa nasabig tulay. Ayon naman sa ilang residente ng Barangay Cambalo at ng ilang dumadaan sa detour road na katabi ng tulay, walang nangyayari sa construction magmula pa noong nakaraang taon hanggang ngayong January 2017.
Nagsimula na rin muli ang construction sa nasabing tulay ayon sa mensaheng pinadala ni Konsehal Marvin Ramos sa Romblon News Network.