Inaantabayanan na ng mga pageant fanatics sa buong Pilipinas ang paglaban ng ating kababayan at purong Romblomanon na si Bob Royo sa Mister Culture Asia World 2016 bilang representative ng bansa.
Si Bob, 27 years old, ay pang apat sa limang magkakapatid na tubong Sibuyan Island, Romblon at ngayon ay nakatira na sa San Pedro, Laguna dahil sa kanyang career sa buhay.
Bago pasukin ni Bob ang modeling at pagsabak sa mga pageant, isa na siyang succesful na tao dahil sa trabaho niya bilang Engineer at isa ring Entrepreneur.
“Pagkagraduate ko ng Engineer, sa San Pedro, Laguna; then I worked as an auditor and then modeling and then nag-ipon.” ayon kay Bob.
Noong 2015, naging bahagi rin si Bob ng Mister Earth Philippines 2015 ngunit siya ay umatras na noong lalaban siya sa finals dahil sa problema sa kanyang pamilya.
Ayon kay Bob, tinawagan umano siya ng CEO ng Mister Earth Philippiens upang lumaban sa Malaysia upang mag represent sa nasabing patimpalak.
“Sobrang excited ako at masaya noong tinawagan ako ng CEO. Sobrang sayo ko, sabi ko, bakit ako?” ayon kay Bob sa kanyang interview sa DZRH.
“I would like to spread the love and success to all Filipinos around the world as I represent our country in introducing the best culture that we have to other nations. I would like to make known the best Filipino attributes and values. To all the followers of pageant especially the Filipinos around the world, I would like you to be with me in this journey. Laban naten to. MABUHAY PHILIPPINES!”. pahayag ni Bob.
Ang nasabing patimpalak ay gaganapin sa Kota Kinabalu, Malaysia sa February 21 hanggang 27.