Nagpasalamat ang pamunuan ng Odiongan District Jail kay Congressman Budoy Madrona matapos makumpleto ang konstruksyon ng bagong multi-purpose hall na nakatakdang gamitin sa mga programa at aktibidad para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).
Nitong Oktubre 29, 2026, personal na ipinaalam nina JSINSP Rowena Olivar, acting district jail warden, at JO2 Sarah Cañares, administrative officer ng Odiongan District Jail, kay Madrona ang pagkakumpleto ng nasabing pasilidad.

Ayon sa mga opisyal, magsisilbing karagdagang lugar ang multi-purpose hall para sa mga programang nakatuon sa rehabilitasyon, kapakanan at pagpapaunlad ng mga PDL.
Magagamit din ang pasilidad sa mga gawaing administratibo at iba pang aktibidad ng piitan na bahagi ng paghahatid ng mga serbisyo sa mga persons deprived of liberty.
Inaasahang gagamitin ang bagong pasilidad sa pagpapatupad ng mga programa ng Odiongan District Jail na naglalayong suportahan ang rehabilitasyon ng mga PDL at ihanda sila sa kanilang pagbabalik sa komunidad.


























