Nagsagawa ang Department of Trade and Industry (DTI) Romblon at mga Negosyo Center ng sabayang monitoring sa mga pamantayan ng produkto sa buong lalawigan noong October 14, 2026, bilang bahagi ng paggunita sa National Standards Week at World Standards Day 2026.
Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga negosyo at mamimili tungkol sa kahalagahan ng pagsunod sa mga pamantayan sa kalidad at kaligtasan ng mga produkto.
Hinimok ng DTI Romblon ang mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na sumunod sa mga naaangkop na product standards at mga kinakailangan sa certification upang matiyak ang kalidad at kaligtasan ng kanilang mga produkto.
Pinayuhan din ang mga mamimili na suriin ang mga label, certification mark at impormasyong pangkaligtasan bago bumili ng mga produkto.
Ayon sa DTI Romblon, mahalaga ang pagiging mapanuri ng mga mamimili at pagsunod ng mga negosyo sa itinakdang pamantayan upang mapangalagaan ang kapakanan ng publiko at maisulong ang patas na kalakalan.


























