• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Friday, October 23, 2026
29 °c
Romblon
29 ° Sat
28 ° Sun
29 ° Mon
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Romblon iho-host ang 5th MIMAROPA Cooperative Congress sa 2027

    Romblon iho-host ang 5th MIMAROPA Cooperative Congress sa 2027

    ₱11.7M building ng Romblon Police Provincial Office, sinimulan na ang konstruksiyon

    ₱11.7M building ng Romblon Police Provincial Office, sinimulan na ang konstruksiyon

    LGU Ferrol, nakatanggap ng ₱3.8M egg production project para sa mga magsasaka

    LGU Ferrol, nakatanggap ng ₱3.8M egg production project para sa mga magsasaka

    LGU Ferrol naghahanda para sa paggunita ng UNDAS

    LGU Ferrol naghahanda para sa paggunita ng UNDAS

    Duterte OKs no disconnection policy extension for lifeliners

    ROMELCO consumers, may dagdag na 6.34 sentimos sa bawat kwh simula Oktubre

    50 hydroponics kits, ipinamahagi ng DA sa mga estudyante ng RSU

    50 hydroponics kits, ipinamahagi ng DA sa mga estudyante ng RSU

    Looc Public Market, kinilalang Most Consumer-Friendly palengke sa MIMAROPA

    Looc Public Market, kinilalang Most Consumer-Friendly palengke sa MIMAROPA

    Hackathon ng DOST Romblon, target makatulong sa inobasyon ng Romblon sa S&T

    Hackathon ng DOST Romblon, target makatulong sa inobasyon ng Romblon sa S&T

    Philhealth Romblon, hinikayat ang paggamit ng eGovPH app para sa YAKAP services

    Philhealth Romblon, hinikayat ang paggamit ng eGovPH app para sa YAKAP services

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Apat na lalaki sa Magdiwang, pinaghahanap dahil sa iligal na pagmimina

    Reclaiming the Energy Future of Romblon

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

    Hindi Plastik ang Problema—Kundi ang Sistema

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
29 °c
Romblon
29 ° Sat
28 ° Sun
29 ° Mon
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Op-Ed U_Spy

U_Spy: Panaginip ng NEDA

Romblon NewsbyRomblon News
June 11, 2018 - Updated On October 20, 2021
in U_Spy
Reading Time: 18 mins read
8
0
U_Spy: Nasan ang huli nyo?
Share on FacebookShare on Twitter

Iba talaga kapag malaki ang sahod dahil tiyak na laging may laman ang sikmura nang masasarap at masustansiyang pagkain. At kapag busog, masarap matulog at walang problemang iniisip kaya tiyak na maganda rin ang panaginip—‘wag lang babangungutin.

Sabi kasi ng isang taga-NEDA (National Economic Development Authority), sapat na raw ang P10,000 na kita sa isang pamilya na lima ang miyembro [mag-asawa at tatlong anak siguro] para magkaroon daw ng “disenteng” tsibog o maayos na pagkain.

Ang matindi, sa naturang P10,000 na sahod, ipinakita sa breakdown o listahan ng gastos na P3,834.00 lang daw ay sapat na sa nabanggit na pamilya para tustusan ang pagkain ng limang tao para sa buong isang buwan. Aba’y ibig sabihin, papatak sa P127 o P128 lang bawat araw ang badget at sapat na sa pagkain. Tanong ng ating kurimaw na madalas malipasan ng gutom, ano kayang pagkain ang kinuwenta ng NEDA? at ilang beses na pagkain kaya ito? Isa, dalawa o tatlong beses isang araw kaya?

Ito pa matindi , ang badget na kailangan lang daw ng pamilya para sa renta ng bahay at kuryente, gas at iba pang fuel ay P2,204 lang. Ang renta sa bahay, napakamurang P1,288 lang; at ang gastos sa kuryente at blah blah blah, mantakin niyo… P744 lang.

Tanong naman ng isang kurimaw na sa ilalim ng tulay natutulog, saan kaya nakatira ang mga tao na pinagbasehan nila ng sampol para sa naturang datos nila? Kung sa malayo o liblib na lugar, baka ubra na ang P10,000. Pati na ang inilagay nilang breakdown sa gastos sa pagkain, renta sa bahay, bayad sa kuryente at blah blah blah.

Sa probinsiya kasi, karaniwang namang hindi nagbabayad ng renta ng bahay ang mga tao at hindi rin ganung katindi ang konsumo nila sa kuryente, at blah blah blah. Sa pagkain, simple lang ang tsibog nila…basta may kanin at ulan na isda, noodles at inani nilang talbos ng kamote sa bakuran. Pero kung sa lungsod nakatira ang isang pamilya, naku mga tsong, tiyak na hindi na sila makakahinga dahil pa sobrang “higpit ng sinturon” ang kanilang gawin sa P10,000.

Aba'y sa renta pa lang ng bahay, masuwerte kang makakuha ng uupahang bahay sa halagang P1,000 na puwedeng magkasya ang limang pamilya. At sa presyo ng mga bilihin na pinataas pa ng Train law, baka isang beses sa isang araw lang makakatikim ng disenteng tsibog ang sinasabing pamilya ng NEDA.

Ang maganda pa sa tila “panaginip” na ito ng NEDA mga tsong, may sobra pang halos P4,000 sa P10,000 na puwedeng gamitin sa pangangalaga sa kalusugan ng pamilya (P389), transportasyon (P806), komunikasyon (siguro pang-load sa cellphone na P293), aba'y pang lakwatsya pa o recreation and culture (P141), edukasyon (P328) at iba pa.

Pero kahit masarap ang tulog, tiyak na magigising ka pa rin sa katotohanan… huwag nga lang babangungutin dahil may kasabihang masamang matulog nang busog; Nang ulanin ng puna ang NEDA sa inilabas nilang datos, ipinaliwanag nilang “hypothetical” o “sakali” lang ang ibinigay nilang halimbawa. Aba’y bakit sila magbibigay ng “datos” sa media na hindi sila sigurado?

Sa panahon ngayon na marami ang kumakalam ang sikmura at nananaginip na tataas ang sahod nila at bababa ang presyo ng mga bilihin, singil sa kuryente, tubig at iba pa, natural na aalma ang mga tao kung sasabihin na sapat na ang P10,000 na sahod kada buwan para makakain nang sapat at blah blah blah. Baka ang dating pa nga nito sa iba eh, ‘wag na kayong mareklamo kung sumasahod na kayo ng mas mataas nang kaunti ng minimum wage. Para bang sinabi ng isang opisyal na “crybaby” ang mga mareklamo sa Train law at mataas na bilihin.

Kung tutuusin, sa tala ng NEDA noong 2015, nakasaad na dapat nasa P9,140 na ang sahod ng isang pamilya na lima ang miyembro para maging sapat ang pangangailangan sa pagkain. Aba’y nasa kalagitnaan na tayo ng 2018; at nang panahong 2015, wala pang Train law at ang inflation rate o datos ng pagtaas ng bilihin ay 1.4 percent lang. Malayo mga tsong 4.6 percent ngayon, na pinakamataas sa nakalipas na limang taon.

Sa halip na magbigay ng mga datos na “hypothetical,” mas magandang magbigay na lang ng payo ang NEDA sa publiko ng ganitong linya, “kapit lang mga besh at makakaraos din kayo.”

Tandaan: Ang tao'y nilalang na politiko pero mas madalas ang politiko'y nanlilinlang ng tao!

(Twitter: follow@dspyrey)

Related Posts

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

May 10, 2022
Lacson-Sotto bibisita ng Romblon

Ping Lacson o Tito Sotto, sino ang nakaranas ng heart break?

April 11, 2022

Popular Stories

  • 81-anyos na Lolo, natagpuang patay sa baybayin sa Alcantara

    Most Wanted sa Batangas, arestado sa Looc, Romblon dahil sa kasong rape

    229 shares
    Share 92 Tweet 57
  • Pagpapalit ng Vice Mayor ng Romblon matapos ang hatol sa kaso ni VM Mateo, isinusulong na

    155 shares
    Share 62 Tweet 39
  • Montojo, umaasang maibalik sa maliliit na mangingisda ang eksklusibong karapatan sa municipal waters

    55 shares
    Share 22 Tweet 14
  • Dr. Lilian Madrona, hinikayat ang mga kababaihan na huwag ipagpaliban ang cancer screening

    49 shares
    Share 20 Tweet 12
  • Hackathon ng DOST Romblon, target makatulong sa inobasyon ng Romblon sa S&T

    29 shares
    Share 12 Tweet 7
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Coast Guard, pinaghahanda mga taga-Romblon kay Super Typhoon ‘Rosal’

Pagpapalit ng Vice Mayor ng Romblon matapos ang hatol sa kaso ni VM Mateo, isinusulong na

Public toilet sa Calatrava, ‘mala-hotel’ dahil may aircon

TRENDING FOR THE MONTH

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

Barangay kagawad, pinagbabaril umano ang kapatid matapos ang pagtatalo

Murder case, isinampa laban sa suspek sa pagpatay sa kapwa sekyu sa San Andres

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up