Umabot sa 23 job seekers ang na-hire on the spot (HOTS) sa isinagawang Trabaho Agad Job Fair noong September 14 sa Odiongan, Romblon, bilang bahagi ng Handog ng Pangulo: Serbisyo Fair 2026.
Isinagawa ang job fair sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Romblon at Public Employment Service Office (PESO) Odiongan, kung saan nagkaroon ng direktang employment matching sa pagitan ng mga employer at mga naghahanap ng trabaho.
Pinakamarami sa mga na-hire ang kinuha ng CARD Inc., na tumanggap ng 14 na Account Officers.
Dalawa naman ang tinanggap ng Taytay sa Kauswagan Inc. (TSKI) bilang Field Coordinators, dalawa sa Home Credit bilang Sales Associates, at dalawa rin sa Romblon State University (RSU) bilang utility personnel.
Nakapag-hire din ang El Elohe ng dalawang empleyado para sa mga posisyong Service Crew at Security Officer.
Bukod sa mga aplikanteng agad natanggap, ang mga kwalipikadong aplikanteng naitalang near-hire ay isinailalim sa secondary interview o itinuro sa mga angkop na skills training program upang mapataas ang kanilang oportunidad na makakuha ng trabaho.
Layunin ng naturang inisyatiba na mapadali ang job placement, mabawasan ang gastos sa pamasahe at aplikasyon ng mga job seeker, at mapalakas ang pakikilahok ng mga residente sa lokal na ekonomiya ng Odiongan at mga karatig-munisipalidad.



































Discussion about this post