Hinimok ni Romblon Governor Trina Firmalo-Fabic ang mahigit 400 DOST scholars mula sa iba't ibang panig ng bansa na tuklasin kung ano ang tunay na nagtutulak sa kanila at gamitin ito bilang pundasyon ng kanilang mga adbokasiya.
Ibinahagi ni Firmalo-Fabic ang mensaheng ito bilang keynote speaker sa National Patriot Scholars Congress na inorganisa ng Department of Science and Technology–Science Education Institute (DOST-SEI) noong September 5 sa Koronadal City, South Cotabato.
Ayon sa gobernador, mahalagang maunawaan ng mga iskolar kung ano ang kanilang mga interes at adbokasiya upang matukoy kung paano nila magagamit ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagtugon sa mga problema ng komunidad.
Hinimok din niya ang mga DOST scholars na gamitin ang science and technology bilang kasangkapan sa pagbuo ng mga solusyon sa mga suliraning may kaugnayan sa kanilang mga adbokasiya.
Ibinahagi ni Firmalo-Fabic ang ilang karanasan at kuwento mula sa Romblon bilang halimbawa kung paano maaaring maiugnay ang kaalaman, adbokasiya at serbisyo sa pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad.
Binigyang-diin din ng gobernador ang mensaheng may pag-asa sa pamahalaan, at na maaaring magtulungan ang mga kabataan, pamahalaan at iba pang sektor para sa isang mas progresibong komunidad at mas magandang bansa.
Sa naturang pagtitipon, nakipagkita rin si Firmalo-Fabic sa limang DOST scholars na kumatawan sa Romblon, mula sa Odiongan, Romblon, San Agustin at Looc.


































Discussion about this post