Nagpaabot ng pasasalamat si Corcuera Vice Mayor Apple Fabiala kina Senator Bong Go at Senator Mark Villar para sa mga tulong na ipinagkaloob sa mga residente ng bayan, kabilang ang mga college students at iba pang sektor ng komunidad.
Ayon kay Fabiala, naglaan si Sen. Bong Go ng 200 slots para sa Tulong Dunong Program (TDP) ng Commission on Higher Education (CHED) para sa mga college students sa Corcuera.
Inaasahang makatutulong ang naturang educational assistance sa mga kwalipikadong estudyante sa pagtugon sa kanilang mga gastusin at pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral.
Nagpasalamat din ang bise alkalde kay Sen. Mark Villar para sa naunang assistance na ipinagkaloob nito sa Corcuera sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na nagkakahalaga ng ₱2 milyon.
Ipinamahagi ang naturang ayuda sa ilang sektor sa bayan, habang inilapit din ni Fabiala kay Villar ang mga pangangailangan ng mga senior citizens ng Corcuera.
Samantala, nagsagawa rin ng courtesy visit ang mga national officers ng Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) kay Cabinet Secretary Benhur Abalos ngayong umaga, kung saan dumalo si Fabiala sa kanyang kapasidad bilang National Vice President for Luzon ng organisasyon.



































Discussion about this post