Isinagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Project Katha immersion sa Romblon, Romblon noong Agosto 17–19 upang suriin at higit pang mapaunlad ang mga enterprise ng mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) sa lalawigan.
Tampok sa isinagawang immersion ang mga produktong gawa sa marmol ng SAMAHI at Highlander SLP Associations, na nagpapakita ng potensiyal ng mga lokal na community-based enterprises sa Romblon.
Sa pangunguna ng SLP National Program Management Office (NPMO), layunin ng aktibidad na masuri ang kasalukuyang kalagayan ng mga produkto at tukuyin ang mga hakbang upang higit na maiangkop ang mga ito sa pangangailangan ng mas malawak na merkado.
Sa ilalim ng Project Katha, isinusulong ng DSWD MIMAROPA ang pagpapaunlad ng mga community-based enterprises sa pamamagitan ng pagbibigay ng gabay at paglikha ng mga oportunidad upang mapalawak ang merkado ng kanilang mga produkto.
Kasabay nito, binibigyang-halaga rin ng programa ang pagpapanatili ng lokal na identidad, kasanayan at kuwento ng komunidad na kaakibat ng mga produktong likha ng mga SLP beneficiaries.
Sa pamamagitan ng naturang programa, inaasahang higit pang mapauunlad ang mga lokal na produktong marmol ng Romblon at mabibigyan ng pagkakataon ang mga enterprise na maabot ang mas malawak na merkado.



































Discussion about this post