Tumanggap ng ₱100,000 cash gift mula sa pambansang pamahalaan ang 100-anyos na si Mariano “Anoy” Marzonia ng Barangay Agnay, Romblon, Romblon, bilang pagkilala sa kanyang pag-abot sa edad na isang siglo.
Pormal na iginawad ang benepisyo noong Hulyo 29 sa pangunguna ni Romblon Mayor Atty. Gerard S. Montojo, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ang Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA).
Ang cash gift ay bahagi ng Centenarians Act, na nagbibigay ng pagkilala at insentibo sa mga Pilipinong umaabot sa edad na 100 taon.
Bago nito, tumanggap na rin si Marzonia ng ₱25,000 mula sa Pamahalaang Bayan ng Looc at ₱50,000 mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Romblon.
Sa kabuuan, umabot na sa ₱175,000 ang natanggap niyang cash gifts mula sa pambansa, panlalawigan, at lokal na pamahalaan bilang pagkilala sa kanyang pagiging centenarian.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang programa ay bahagi ng patuloy na pagbibigay-pugay ng pamahalaan sa mga senior citizen na umabot sa edad na 100 taon bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa lipunan.


































