Inaprubahan sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives of the Philippines ang House Bill No. 9154 na naglalayong gawing regular district office ang extension office ng Land Transportation Office (LTO) sa bayan ng San Agustin.
Papalitan ng House Bill No. 9154 ang naunang House Bill No. 4152 na kapwa naglalayong magtatag ng regular district office ng LTO sa naturang bayan at maglaan ng kaukulang pondo para rito.
Inakda ang panukala ni Romblon Rep. Eleandro Jesus Madrona.
Layunin ng panukala na mapalakas at mailapit pa ang mga serbisyo ng LTO sa mga residente ng lalawigan, lalo na sa mga bayan na nahaharap sa hamon ng biyahe dahil sa pagiging arkipelago ng Romblon.
Kabilang sa inaasahang makikinabang sa panukala ang mga residente ng Calatrava, Santa Maria, Romblon, Magdiwang, Cajidiocan, San Fernando, Banton, at Concepcion.
Kapag naging ganap na batas, inaasahang mapapadali ang pagproseso ng mga transaksyon kaugnay sa lisensya, rehistro ng sasakyan, at iba pang serbisyo ng LTO sa mga residente ng mga nabanggit na bayan.



































Discussion about this post