Limang magulang ng mga batang child laborer sa San Agustin, Romblon ang tumanggap ng tulong pangkabuhayan mula sa Lokal na Pamahalaan ng San Agustin at Department of Labor and Employment (DOLE) Romblon sa isinagawang Livelihood Awarding Ceremony.
Ipinagkaloob sa mga benepisyaryo ang mga kagamitan at kapital na magsisilbing panimula sa pagtatayo at pagpapaunlad ng sarili nilang negosyo upang magkaroon ng karagdagang mapagkukunan ng kita ang kanilang mga pamilya.
Matatandaang noong nakaraang buwan ay nagsagawa rin ng Livelihood Awarding Ceremony para sa pitong benepisyaryo na tumanggap ng tulong pangkabuhayan para sa welding services.
Patuloy ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at DOLE Romblon sa pagbibigay ng mga oportunidad sa kabuhayan ng mga pamilya, kasabay ng pagsusulong ng kapakanan at pangangalaga sa mga karapatan ng mga bata.


























