Niyanig ng magnitude 2.1 na lindol ang bayan ng Looc, Romblon madaling-araw ng Mayo 14, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naitala ang pagyanig dakong alas-5:04 ng umaga na may lalim na walong kilometro.
Ayon sa PHIVOLCS, natukoy ang epicenter ng lindol sa layong apat na kilometro hilagang-silangan ng bayan ng Looc.
Wala namang iniulat na pinsala o aftershocks kaugnay ng naturang pagyanig hanggang sa kasalukuyan.
Patuloy namang pinaaalalahanan ng mga awtoridad ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga earthquake safety protocols sakaling magkaroon ng mas malalakas na pagyanig.



































Discussion about this post