Nagtipon ang mga bata at kanilang mga magulang para sa isang art session na “Paint. Eat. Play” na ginanap noong Marso 29, 2026 sa Hera’s Place sa Barangay Dapawan, Odiongan.
Tampok sa aktibidad ang guided painting session kung saan sabay-sabay na nagpinta ang mga bata kasama ang kanilang mga magulang, gamit ang iba’t ibang kulay at ideya upang makalikha ng kani-kanilang obra sa canvas.
Matapos ang painting activity, nagsalo-salo ang mga kalahok sa meryenda, na nagsilbing pagkakataon upang magpalitan ng kwento at magpalalim ng ugnayan. Sinundan ito ng libreng paglalaro ng mga bata sa inflatable playground na nagbigay ng dagdag kasiyahan sa okasyon.
Ayon Tina Meñez de Juan, organizer ng aktibidad, layunin ng programa na makapagbigay ng espasyo kung saan maaaring magtagpo ang sining at pamilya, at magsilbing paraan upang mapalakas ang ugnayan sa pamamagitan ng malikhaing aktibidad.
Dagdag pa niya, inaasahang masusundan pa ang mga kahalintulad na pagtitipon upang patuloy na mahikayat ang mga pamilya na makibahagi sa mga gawaing nakatuon sa sining at bonding.



































Discussion about this post