• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Friday, November 14, 2025
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Lineman ng TIELCO, patay matapos makuryente habang nagtatrabaho sa San Agustin

    Zaldy Co, iginiit na ginamit umano sa isyu ng flood control

    PBBM, magpapatupad ng reporma para tapusin ang katiwalian sa DPWH

    U_Spy: Palakasan ng “kahol” sa Speakership!

    Akbayan Reform Bloc naghain ng komprehensibong batas laban sa Political Dynasty sa Kamara

    Menor de edad, patay matapos makuryente sa nakalaylay na kable ng kuryente sa Sibuyan

    Ilang konsehal sa Romblon, suportado ang panukalang Classroom-Building Acceleration Program ni Sen. Aquino

    Walang naisalang nasawi sa pananalasa ng bagyong Uwan sa Romblon

    Pangulong Marcos, nilagay sa full alert ang pamahalaan habang lumalakas ang Bagyong Uwan

    Klase at trabaho sa gobyerno, suspendido sa malaking bahagi ng bansa dahil sa Super Typhoon Uwan

    Rep. Madrona nanawagan ng pag-iingat at pagtutulungan sa gitna ng Signal No. 2 sa Romblon

  • Politics
  • Features
  • Technology
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

    Katapatan at Pananagutan sa Pamahalaan — Haligi ng Maunlad na Lalawigan

    “Mahiya Naman Kayo!!” Flood Control Projects, Tadtad ng Katiwalian?

    Sapantaha lang naman: “Nag-petisyon na palabasin, tapos hihirit na ‘wag munang palabasin? “

    U_Spy: Nakakabinging Speaker sa House

    Legal o Ligaw? Pagsilip sa House Arrest Resolution at Duterte Act

    Mukha ng mga politiko sa mga tarp ng proyekto ng Romblon gov’t, pinagbabawal na

    Siguradong marami ang matutuwa, malamang meron ding mga aaray!

    Isang Magandang Simula: Gob. Trina Firmalo-Fabic, tagapagbunsod ng mabuting pamamahala

    Romblon 2025: Panibagong Simula, Panibagong Pananagutan

    Mapagkakatiwalaan ba ang Senado bilang Impeachment Court?

    Huwes-Huwesan: Senador nga ba o Tuta?

  • Blogs
    • All
    • A Walk of Faith
    • Blog My Town
    • Foodie In My Tummy
    • The Trekking Jay
    • Tourism 360
    A Walk of Faith: Pagyakap sa Kahinaan

    A Walk of Faith: Pagyakap sa Kahinaan

    New South Korean Cuisine to shine best n BGC

    Looc houses Romblon’s first artisanal Italian gelato

    Welcome to Blog My Town

    Welcome to Blog My Town

    Bagong Food Park sa Cajidiocan, bubuksan sa August 8

    Walk of Faith: Ang Pag-iingat ng Isa ay Kaligtasan ng Lahat

    Photo Courtesy: Atty. Marvin Greggy Ramos

    Lugar na tanaw ang buong Poblacion ng Cajidiocan, patok na pasyalan

    Isang Pasasalamat Sa Kabila Ng Mga Pag-subok

    Walk of Faith: It’s Okay Not To Be Okay

    Walk of Faith: It’s Okay Not To Be Okay

  • Sports
  • eTabloid
  • Login
  • Register
No Result
View All Result

Home News National News
PBBM, magpapatupad ng reporma para tapusin ang katiwalian sa DPWH

Photo Courtesy: FB/Bongbong Marcos

PBBM, magpapatupad ng reporma para tapusin ang katiwalian sa DPWH

Juan Reyes by Juan Reyes
November 14, 2025
in National News
Reading Time: 12 mins read
19
0
Share on FacebookShare on Twitter

Naglatag si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Huwebes ng iba’t ibang repormang ipatutupad ng pamahalaan para mapalakas ang katapatan, integridad, at pananagutan sa mga proyektong pang-imprastraktura ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa isang press conference sa Malacañang, binigyang-diin ng Pangulo na layunin ng mga repormang ito ma maiwasang maulit ang mga isyu ng katiwalian sa mga proyekto ng imprastraktura at matiyak na ang pondo ng bayan ay nagagamit nang tama para sa kapakinabangan ng mga Pilipino.

“Upang masigurong maisusulong ang katapatan, integridad, at pananagutan sa pamahalaan, nagsasagawa tayo ng mga reporma sa iba’t ibang sektor ng ating bansa,” ayon kay Pangulong Marcos.

Ipinahayag din ng Pangulo na kasalukuyang binubuo ang isang transparency portal na magbibigay sa publiko ng mas malawak na akses sa impormasyon hinggil sa mga proyekto ng pamahalaan — kabilang ang mga detalye tungkol sa mga kontratista, lokasyon ng proyekto, at estado ng implementasyon.

“Ibig sabihin, babantayan natin nang husto every step of the way. Bawat hakbang sa prosesong ito ay babantayan natin nang mabuti para ‘pag may nakita tayong hindi tama o labag sa patakaran, makikita natin kaagad at hindi na natin hahayaan na lumipas ang dalawa o tatlong taon bago ito madiskubre,” ayon sa Pangulo

ADVERTISEMENT

Ayon kay Pangulong Marcos, ipatutupad ng kanyang administrasyon ang mga sistematikong reporma na nakatutok sa tatlong pangunahing larangan: transparency (pagiging bukas); data security (seguridad ng datos); at public involvement (partisipasyon ng publiko) sa pagsubaybay ng mga proyekto.

Kabilang dito ang mga reporma sa disenyo ng mga proyekto, na layuning mapahusay ang pagpaplano, mabawasan ang mga panganib, at matiyak na lahat ng proyekto ay batay sa datos at maayos na pag-aaral.

Binanggit din ng Pangulo ang mga reporma sa bidding at proseso ng pagbili upang mapalakas ang kompetisyon, katapatan, at integridad habang binibigyang-pansin ang mga posibleng panganib sa bawat yugto ng proseso nito.

Panghuli, reporma sa proseso ng pagbabayad para masigurong ang pondo ng pamahalaan ay mailalabas lamang sa mga proyektong nakumpleto o natapos at pumapasa sa pamantayan
.
“Dahil marami tayong nakita na ‘completed’ at bayad na pero hindi mo naman mahanap ‘yung proyekto — ghost project o substandard. Kaya’t patitibayin natin ang proseso para matiyak na lahat ng kontrata ay maipatupad nang maayos at kapaki-pakinabang,” sabi ng Pangulo

Ibinahagi rin ni Pangulong Marcos na pinag-aaralan ng pamahalaan ang paggamit ng smart technologies at artificial intelligence (AI) upang mapahusay ang pagsubaybay at pagtukoy ng iregularidad sa mga kontrata at implementasyon ng mga proyekto ng pamahala
an.

“Yung isang smart technology na gagamitin natin, titingin sa proseso ng kontrata para kapag may nakitang hindi tama ay makikita natin kaagad. Maglilista ‘yan, babalikan natin, at iimbestigahan natin kung bakit ganyan ang nangyari,” paliwanag ng Pangu
lo.

Dagdag pa ng Pangulo, gagamitin din ang mga teknolohiyang ito upang masuri ang kalidad ng konstruksiyon, matiyak na ang mga materyales na ginagamit ay akma sa tamang espesipikasyon, at ang mga proyekto ay matibay, ligtas, at epektibo.

Tags: #FloodControl

Related Posts

Zaldy Co, iginiit na ginamit umano sa isyu ng flood control

Zaldy Co, iginiit na ginamit umano sa isyu ng flood control

November 14, 2025
U_Spy: Palakasan ng “kahol” sa Speakership!

Akbayan Reform Bloc naghain ng komprehensibong batas laban sa Political Dynasty sa Kamara

November 14, 2025
Pangulong Marcos, nilagay sa full alert ang pamahalaan habang lumalakas ang Bagyong Uwan

Klase at trabaho sa gobyerno, suspendido sa malaking bahagi ng bansa dahil sa Super Typhoon Uwan

November 9, 2025
Pangulong Marcos, nilagay sa full alert ang pamahalaan habang lumalakas ang Bagyong Uwan

Pangulong Marcos, nilagay sa full alert ang pamahalaan habang lumalakas ang Bagyong Uwan

November 9, 2025

Discussion about this post

Popular Stories

  • Menor de edad, patay matapos makuryente sa nakalaylay na kable ng kuryente sa Sibuyan

    Menor de edad, patay matapos makuryente sa nakalaylay na kable ng kuryente sa Sibuyan

    885 shares
    Share 354 Tweet 221
  • From the Philippines to the World: Mark Magracia’s Journey in Advancing Medical Lab Science and Transfusion Medicine

    290 shares
    Share 116 Tweet 73
  • Lineman ng TIELCO, patay matapos makuryente habang nagtatrabaho sa San Agustin

    131 shares
    Share 52 Tweet 33
  • Zaldy Co, iginiit na ginamit umano sa isyu ng flood control

    90 shares
    Share 36 Tweet 23
  • PBBM, magpapatupad ng reporma para tapusin ang katiwalian sa DPWH

    19 shares
    Share 8 Tweet 5
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Sen. Lito Lapid, nagpahatid ng pakikiramay at tulong sa mga sinalanta ng Bagyong Tino

Senior Citizen sa Odiongan, nawalan ng bahay dahil sa sunog

Negosyante, arestado sa Odiongan matapos umanong manutok ng baril

TRENDING FOR THE MONTH

Lalaki, patay matapos pagtatagain ng nakainuman sa Alcantara, Romblon

Isa patay, tatlo sugatan sa pananaksak sa isang sayawan sa Romblon

Senior Citizen sa Odiongan, nawalan ng bahay dahil sa sunog

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2022. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Technology
  • Op-Ed
  • Blogs
  • Sports
  • eTabloid
  • Login
  • Sign Up